Lokal na pamahalaan ng Barcelona, bukas upang makipagtulungan sa pagdevelop ng Biyong spring

SORSOGON CITY – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Barcelona na bukas ang opisina nito upang makipagtulungan sa pagdevelop ng Biyong Spring.

Sa pahayag sa Brigada News FM ni Mayor Cythia Falcotelo, sinabi nito na sakali man na hingiin ng private owner ang kanilang tulong kaugnay nito ay handa silang magbigay ng suporta.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ayon kay Falcotelo, 2019 pa nang gawing prayoridad ng LGU ang pagsasaayos ng daan o kalsada patungo sa naturang lugar upang mas mabilis itong puntahan ng mga dumarayong lokal na turista subalit bigo pa rin silang makuha ang simpatiya ng may-ari ng lupa.

Sa ngayon ay hindi pa naman nakikipag-ugnayan sa LGU ang may-ari ng lupa para sa planong pag-develop nito kaya naman wala pang poder ang LGU para pangunahan ito.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Ang Biyong Spring ay matatagpuan sa Barangay Alegria ng nasabing bayan na siyang dinarayo ng mga turista dahil sa natural nitong tubig na mula sa bukal.

PHOTO: Glenn Olayres Belarmino