Magkakaroon na umano ng panahon si Pangulong Rodrigo Duterte tumingin sa mga magagandang babae kapag tuluyan na itong bumaba sa pwesto sa Hunyo 30.

Ito ang pabirong pahayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa isang event sa Philippine Postal Office.
“Ang trabaho ko na lang ngayon magtingin ng magandang babae. Okay na ako, tingin lang,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Kasabay nito sinabi ng Pangulo na hangang tingin na lamang siya sa magagandang dilag dahil wala na umanong siyang magagawa dahil matanda na ito.
“Hindi ako naga-abduct, hindi ako nag-aano. Basta tingin lang kasi matanda na,” dagdag pa ng Pangulo.