Discrepancies sa figures ng healthcare workers na tumanggap ng benefits, pinuna

Kinuwestyon ni Marikina City Representative Stella Quimbo ang umano’y discrepancies sa pamamahagi ng allowances at benefits ng healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

Ayon sa mambabatas, mula sa 526,547 pangalan ng mga healthcare workers na isinumite ng DOH, 384,159 lamang ang nakatanggap ng allowance at benefits sa ilalim ng Bayanihan 2. 

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sinabi ng kongresista na ang inilaang pondo para sa benefits ay P13.5 bilyon. 

Pinaliwanag naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, chief of staff ng DOH Administration and Financial Management Team na ang figures ay ang mga recognized at validated healthcare workers na direktang humahawak sa COVID-19 cases. 

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ipinunto ni Quimbo na simula pa lamang, ang intensyon ng DOH ay magbigay ng allowances at benefits sa mahigit 500,000 healthcare workers pero sa huli, ang kinover lamang ng DOH ay 384,000 dahil di nakalista ang mga ito.

Mababatid na nagbanta ang ilang grupo ng health workers mula sa government at private hospitals na magpo-protesta dahil sa di pa rin naibibigay na kanilang benefits.