COA, bukas na paluwagin ang requirements para sa audit reports sa gitna ng pandemic

Payag umano ang Commission on Audit (COA) na luwagan ang ilan sa kanilang requirements sa government agencies sa annual audit process. 

Ito ang sinabi ni COA chairperson Michael Aguinaldo sa briefing ng COA sa House committee on public accounts kaugnay ng naiulat na discrepancies ng paggamit ng Department of Health (DOH) sa kanilang P67.32 bilyong COVID-19 budget. 

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Aguinaldo, alam nilang may pandemya ngayon kaya’t bukas silang magkaroon ng adjustments lalo na sa mga allowances. 

Nabanggit kasi sa briefing na may ilang healthcare workers associations na nahihirapang mag-comply sa requirements na itinakda ng state auditor pagdating sa pagbibigay ng benepisyo sa mga medical frontliners. 

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Mababatid na sa ilalim ng Konstitusyon, may kapangyarihan ang COA na suriin, i-audit, at i-settle ang lahat ng accounts kaugnay ng revenue at receipts, at expenditures o pinaggamitan ng pondo o property na ipinagkaloob sa gobyerno o kahit anong ahensya kabilang na ang government-owned o controlled corporations.

Wala dapat batas na ipapasa para i-exempt ang kahit anong entity ng gobyerno o subsidiary nito.