Disaster response desk, nais ipatupad para sa agarang serbisyo sa mga bakwit ng Bulkang Mayon; paglikom ng mga donasyon, tuluy-tuloy

LEGAZPI CITY – Nais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na magkaroon ng isang Disaster Response Desk (DRD) para sa agarang serbisyo sa mga bakwit ng Bulkang Mayon.

Layunin nitong mas mapadali ang pagbibigay suporta ng mga national government agencies (NGAs), non-government organizations (NGOs), lokal at internasyonal na organisasyon, at pribadong sektor na ahensya sa mga apektadong residente ng nasabing bulkan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Pangangasiwaan ito ng mga kawani ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) upang matugunan ang mga katanungan at reklamo mula sa mga lumikas tungkol sa mga donasyon na kanilang matatanggap o sa mga natanggap na ng Albay.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang paglikom ng donasyon ng lalawigan para maipaabot sa mga bakwit ng Mayon.

Ang lahat naman ng in-kind na donor ay dapat makipag-ugnayan sa APSEMO, dahil ito amg magpapasya kung anong opisina ang dapat na humawak ng donasyon para ipamahagi sa mga evacuees.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Maaari ding dalhin ng mga benefactor ang perang donasyon sa opisina ng Provincial Treasurer upang mag-isyu ng mga resibo.

Dapat rin isumite ng APSEMO ang lahat ng pinagsama-samang datos mula sa mga kinauukulang tanggapan.