Ipinag-utos na ni Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, Regional Director PRO 4B sa lahat ng Provincial Director sa MIMAROPA na mas paigtingin pa ang pagbibigay ng seguridad sa nalalapit na halalan sa buwan ng Mayo ngayong taon.
Ayon kay Police PCapt. Clyde B. Kalyawen, kabilang dito ang unit commanders na inatasan na tiyakin ang maayos, payapa at patas na kampanyahan at mismong araw ng halalan sa buong MIMAROPA.
Idinagdag ni Captain Kalyawen na napapanatili ng lahat ng kapulisan sa buong rehiyon na “zero election related incidents” hanggang sa ngayon.
Samantala, asahan na ang maraming checkpoints sa mga lansangan para sa kaligtasan ng bawat isa.
Photo Credit to: Police Regional Office Mimaropa