COMELEC, aprubado na ang paglipat sa mga “EMBO” barangays sa Taguig City para sa nalalapit na BSKE 2023

Inaprubahan na ng Comission on Elections (COMELEC) ang paglipat ng sampung “EMBO” barangays sa Taguig City para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.

Alinsunod ito sa naging memorandum noong nakaraang araw at rekomendasyon na ibinigay ng law department ng COMELEC.

Kaugnay nito, pinaalalahan ni COMELEC Chairman George Garcia ang mga tumatakbong kandidato sa mga nasabing barangay na magpasa na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Taguig Convention Hall hanggang sa August 28.

Ilan sa mga “EMBO” barangays na kasama rito ay ang Cembo, Comembo, Pembo, East Rembo at West Rembo.

Samantala, binigyang-diin ni Garcia na hindi na kailangang mag-register muli ng mga residenteng apektado ng land row.