Diocese of Daet nagdiriwang  ngayong araw ng ika- 49th founding anniversary

CAMARINES NORTE – Ipinagdiriwang ngayon ng Diocese of Daet ang ika- 49 na taong anibersaryo ng pagkakatatag nito at ang ika- 39 na taong anibersaryo ng dedikasyon ng katedral.

Magkakaroon ng Pontifical Concelebrated Mass mamayang alas 10 ng umaga sa Holy Trinity Cathedral na pangungunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon na dadaluhan naman ng mga kaparian, relihiyoso at layko.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Ang Diocese of Daet ay itinatag noong September 1, 1974 sa pamamagitan ng Apostolic Constitution ‘Requirit Maximopere’ ni Pope Paul VI na naghihiwalay sa Daet mula sa Archdiocese ng Caceres.

Itinalagang pinaka unang Obispo ang tubong Jose Panganiban, Camarines Norte na si Bishop Celestino Enverga.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Sa susunod na taon ay ipagdiriwang ng Diocese ang Golden Jubilee ng pagkakatatag nito.

Matatandaan na nito lang Lunes ay pormal nang binuksan ang pangatlong taong paghahanda sa golden jubilee celebration.

Sa 2025 naman ay inimbitahan ng Diocese ang Apostolic Nuncio para manguna sa concluding mass.