DILG, welcome ang walk-ins sa mga vaccination sites

Welcome para sa Department of Interior and Local Government ang anumang stratehiya na makakatulong para mapabilis ang COVID-19 vaccination rollout gaya ng walk-ins sa jab sites, basta’t masusunod ang minimum public health protocols.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba , sa pamamagitan ng inilabas na memorandum, hinihikayat ng interior department ang mga local chief executives na bumuo ng mga estratehiya na magpapabilis sa vaccination program sa kanilang mga lokalidad.

Ito ang tugon ni Pasaraba matapos na ang walk-in policy sa Manila ay muling pinayagan sa lahat ng kanilang vaccination sites, matapos makita ang mababang turnout ng vaccine recipients na may mga appointments.

Pero sa kabila nito, hindi pinapayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang walk-ins sa COVID-19 vaccination sites dahil ito umano ang maghihikayat ng mas maraming tao na magtitipon-tipon.

Sa halip, pinayuhan ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng substitution lists sa oras na hindi dumating sa kanyang appointment ang mga vaccinees. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *