Nananatili sa bansa si Apollo Quiboloy.
Sa ambush interview, sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr. na base ito sa kanilang natanggap na intelligence report.
Ayon kay Abalos, gagawin ng mga awtoridad ang lahat para hindi makalabas ng bansa si Quiboloy tulad ni dismissed mayor Alice Guo.
Sinabi ng kalihim na hidni malayong magawa ng sinumang may pinagtataguan sa batas ang ginawang pagtakas ni Guo.
Kaya idiniin niya ang pangangailangan na paigtingin pa ang boarder control sa bansa.