Higit 6m students, inaasahang babalik na sa face-to-face classes

Tinatayang aabot sa mahigit pitong milyong mga estudyante ang inaasahang makikilahok sa face-to-face classes sa bansa.

Sa taped Talk to the People, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na aabot na sa 25,668 ang bilang ng mga pampublikong paaralang mayroon nang face-to-face classes.
Katumbas ito ng nasa 56.89% ng kabuoang bilang ng mga public schools.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Inaasahan umano nila na 5.94Million na mga mag-aaral mula sa public schools ang makikilahok sa face-to-face classes habang nasa 227,000 students naman ang magmumula sa mga private schools.

Samantala, sinabi naman ni presidential adviser Vince Dizon na nananatili pa ring hamon sa kanila ang pagkumbinsi sa mga pribadong paaralan na magkaroon na rin ng face-to-face classes.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Aniya, mayroong mga magulang sa private schools na nagdadalawang-isip pa rin kung papayagan na ba nila ang kanilang mga anak na makilahok sa pisikal na pagpasok sa classroom.

Dahil dito, posible umanong talakayin ng IATF ang pag-iisyu ng resolusyon para hikayatin ang mga magulang sa private schools na ibalik na ang face-to-face learning.
#