DILG nagtala ng 245 vote buying incidents noong eleksiyon, 28 naaresto

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government na umabot sa 245 kaso ng vote buying ang kanilang naitala mula Enero 1 hangang sa mismong araw ng eleksiyon noong Mayo 9.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, dalawampu sa mga kaso ang patuloy pang iniimbestigahan, apat ang nai-refer na sa prosecutors office habang isa ang nai-file na sa korte.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Umabot naman sa 28 mga indibidwala ang naaresto dahil sa pamimili ng boto habang 13 pa ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Kabilang sa mga nahuling suspek sa vote buying ay mga kandidato, barangay kapitan, kagawad, government employee, subalit karamihan ay mga sibilyan.

Inihayag naman ni Año na patuloy silang nangangalap ng ebidensiya sa iba pang mga kaso ng bilihan ng boto.