DILG nagbabala ng mas mahigpit na lockdown simula Agosto 6 – 20

Nagbabala si Interior Secretary Eduardo Año ng mas mahigpit na lockdown ang ipapatupad sa Enhanced Community Quarantine Areas pagdating Agosto 6 hangang a bente.

Ayon kay Año aarestuhin ng mga otoridad ang lalabag sa minimum public health standard na ipinapatupad ng pamahalaan.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Paliwanag ng kalihim magde-deploy ng mga pulis sa iba’t-ibang bahagi ng National Capital Region lalo na sa mga lugar na may mga naitala nang paglabag sa safety protocols at mass gatherings.

Sinabi ni Año, na ang mas mahigpit na measure ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Inihayag naman ng Interior Secretary na apat na linggong hard lockdown ang imunungkahi ng mga health experts subalit napagdesisyunan ng pamahalaan na gawin lamang itong dalawang linggo dahil sa impact na posibleng idulot nito sa ekonomiya.