Nagbaba na ng order ang Department of Interior and Local Government sa mga LGUs na maging proactive sa paghahagilap ng mga unvaccinated individuals para maturukan na.
Ito ay sa gitna ng kumpirmadong kaso ng bagong Omicron BA.4 subvariant sa Pilipinas – itinuturing na ‘variant of concern’ ng European CDC, dahil sa bilis na makahawa at mas malalang idinudulot na sintomas.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isang malaing banta sa public health ang variant na ito sapagkat ito ay nakalulusot sa immune protection lalo na sa mga matagal nang nabakunahan.

Pinaiigting ng DILG ang mga hakbang ng Local Covid-19 Task Forces at ugnayan nito sa mga Barangay Health Emergency Response Teams o BHERTs.
Inatasan ni Año ang mga LGUs na i-maximize na ang lahat ng mga resources nito para hikayatin ang mga hindi pa rin bakunado at ang booster-eligible population na magpa-bakuna na para maiwasan ang hawahan ng Omicron BA.4 at ang community transmission nito.
#