DILG, inirekomenda sa Ombudsman ang preventive suspension kay Bamban Mayor Guo

Inerekomenda ng Department of the Interior and Local Government sa Ombudsman ang preventive suspension laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, gumagawa na sila ng hakbang para imbestigahan ang mga ilegal na aktibidad ng POGO na nasalakay Bamban at iniuugnay kay Mayor Guo.

Patuloy aniya silang makikipagtulungan sa Ombudsman at sa ibang mga otoridad hinggil sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa naturang isyu.

Matatandaang iniimbestigahan sa Senado ang ni-raid na illegal POGO operation sa Bamban, at ang posibleng koneksyon umano rito ni Guo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *