Carlos Yulo, nasungkit ang gold medal sa men’s individual all-around sa Asian Championship

Nasungkit ni Pilipino Gymnast na si Carlos Yulo ang gintong medalya sa men’s individual all-around sa Asian Championship sa Tashkent Uzbekistan.

Sa likod ng kanyang 84.931 points natalo ni Yulo sina Milad Karimi ng Kazakhstan at Abdulla Azimov ng Uzbekistan.

Nakuha ng pambato ng Kazakhstan ang silver bar habang naka bronze naman ang gymnast ng Uzbekistan.

Isa si Yulo sa tatlong gymnast na sasabak para sa summer game kasama sina Aleah Finnegan at Levi Ruivivar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *