Itinanggi ni Sen. Imee Marcos na malapit na kaibigan niya si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa Senadora, unang beses niyang nakita ang alkalde nang dumalo siya sa event ng Department of Social Welfare and Development sa naturang bayan noong 2023.
Nilinaw din niyang hindi siya kasama sa imbestigasyon ng Senado sa citizenship ni Guo na idinadawit sa ilegal na POGO operation sa Bamban.
Ipinaliwanag ito ni Sen. Marcos kasunod ng kumakalat nila litrato sa social media.
Samantala, inerekomenda ng Department of the Interior and Local Government sa Ombudsman ang preventive suspension laban sa Alkalde ng Bamban.