Naniningil na ng pisong dagdag pamasahe sa unang apat na kilometro ang mga pampasaherong jeepney sa Olongapo Zambales at Bataan.
Ito ay makaraang makakuha ng kopya ng fare matrix o taripa mula sa Land Transportation Frachising and Regulatory Board.
Ayon kay OLOZAMBAT Transport Federation Chairman Rey Abrenilla,pinayagan na ng samahan na maningil ng dagdag piso sa minimum fare ang mga tsuper habang piso naman sa kada apat na susunod na kilometro.
Matatandaan,inaprubahan ng LTFRB ang Provisional Fare Increase sa mga jeepney sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Central Luzon pero kasunod na ipinagbawal ang paniningil ng dagdag piso sa mga wala pang hawak na taripa.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
