Isinagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 3 ang ikalawang pagpupulong ng Local Monitoring Committee for Public Transport.
Kabilang sa mga pinag-usapan ang kasalukuyang updates sa bawat sangay ng gobyerno partikular ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program at ang itinutulak na Transport Congress sa Central Luzon.
Layon ng PUV Modernization Program na magkaroon ng moderno, well-managed at environmentally sustainable transport sector sa bansa.
Samantala, pinangunahan ni LTFRB Region 3 Dir. Nasrudin Talipasan ang pulong kasama ang iba pang mga opisyal at ahensya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: LTFRB Region 3
