Digital vaccination ID, inaasahang mailulunsad sa susunod na buwan-Sec. Karlo Nograles

Inaasahang mailulunsad na sa susunod na buwan ang digital vaccination ID na isinusulong ng pamahalaan para sa mga bakunadong Pinoy.

Ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nogralse sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay sisikapin ng gobyerno na makumpleto na ang digital card maging ang QR code system.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Sa pamamagitan nito aniya ay magiging centralized at consolidated na ang vaccine ID.

Gayunman, inihayag din ng Kalihim na maaring gamitin pa rin ng mga vaccinated na ang kanilang vaccination card na ibinigay ng LGU habang wala pa ang naturang ID.

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Ayon pa kay Sec. Nograles, dahil centralized ang digital vaccination ID ay magagamit din ito bilang patunay ng bakunado na ang may hawak nito.