Digital payment system malapit na ring ipatupad ng CANORECO

CAMARINES NORTE- Inihayag ng pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative na malapit na rin nilang ipatupad ang digital payment method para mas mapadali ang pagbabayad ng bayarin sa kuryente lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sa text message sa Brigada News FM Daet inihayag ni General Manager Zandro Gestiada na nasa final stage na sila ngayon ng evaluation ng system at maging sa bangko ay kinukunsidera din at maaaring ipatupad anumang oras.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Matatandaan na noong Mayo ay nagpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na humihimok sa CANORECO management para i- adopt  ang pagamit ng digital payment method bilang option preference sa mga kunsomidores sa pagbabayad ng kanilang bayarin sa kuryente.

Sabi noon ni Gestiada na nakalinya na rin talaga ang proyektong ito kung saan target nga sanang ipatupad noong Hunyo pero hindi pa nangyari.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Ang binigyang prioridad kasi noon ng naturang kooperatiba ng kuryente ay ang pagdaragdag ng mga bayad centers sa mga barangay.

Sa kabilang dako, ang Primewater naman ay nagpatupad na ng digital payment method.