Umamin ang aktor na si Diego Loyzaga na nasa ‘dating’ stage na sila ni Franki Russell matapos niyang sabihin na ‘not a thing’ sila ng aktres noong tanungin siya.
Ayon kay Loyzaga nasabi umano niya ito noon dahil sampung araw pa lang silang magkakilala at hindi pa nila mabigyan ng label ang kanilang status.

Umugong ang balita sa pagitan ng dalawa ng mag-post ang aktres ng birthday greeting para sa aktor noong May 20.
Samantala, nilinaw ni Loyzaga na hindi pa sila nagsasama kahit nakikipag-date na sila sa isa’t-isa.
(ARGIE ERGINA)