Diego Loyzaga, sinorpresa si Barbie Imperial sa una nilang anibersaryo

Nag-organisa ang aktor na si Diego Loyzaga ng intimate celebration para sa unang anibersaryo nila ni Barbie Imperial bilang magkasintahan.

Ibinahagi ni Loyzaga ang kaniyang sweet anniversary message para sa kaniyang nobya sa social media kung saan ay makikita ang mga larawan at clips ng kanilang selebrasyon na ginanap sa Pangasinan.

Read More:  Jennylyn Mercado says she and husband Dennis Trillo are ‘extra protective’ of their children

Mababasa sa Instagram post ni Loyzaga, “Happy anniversary mahal ko! Daaaaamn one year. Went by fast didn’t it? I’m grateful for you. It was this exact spot last year where we met again and things were never the same”

Nagpasalamat rin si Loyzaga para sa maraming bagay kabilang na ang pagtanggap nito sa kaniya para sa kung sino siya.

Read More:  Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame Star

Ipinunto ng aktor na bagamat hindi siya perfect at madalas na magkamali, ay sinusubukan niya na gawin ang best niya araw-araw.