Donaire, nanatiling goal ang pag-unify sa lahat ng Bantamweight titles

Nanatiling pangunahing layunin ni Nonito Donaire ang pag-unify ng lahat ng belts sa bantamweight division.

Inihayag ito ng “The Filipino Flash” matapos niyang madipensahan ang kaniyang WBC bantamweight championship belt laban sa mandatory challenger na si Reymart Gaballo sa pamamagitan ng fourth round knockout.

Read More:  Pinay swimmer Jie Talosig, secures bronze in International Open Water swimming debut

Sinabi ni Donaire na ang pagiging “unified champion of the world” pa rin ang kaniyang hinahanap.

Sa ngayon ay hawak ng Pilipino na si JohnRiel Casimero ang WBO title mula pa noong November 2019.

Read More:  38 Filipino players to compete in Pickleball World Cup

Nasa pangangalaga naman ng unbeaten Japanese na si Naoya Inoue ang WBA, IBF at The RING bantamweight titles.