DICT region 2, pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa online phishing

Nagpaalala ang DICT Region 2 sa publiko na maging maingat upang huwag mabiktima ng online phishing o online scam.

Inihayag ni Director III Allan Lao ng Department of Information and Communications Technology Regional Office 02, na maaaring mabiktima ang isang internet user sa pamamagitan ng pag-click sa mga ipinapadalang link o sites sa email o text message.

Aniya, kung may mga kahina-hinalang link na matanggap ay maging mapanuri at iwasang ibigay ang mga credentials o mahahalagang impormasyon ng internet user.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Paliwanag pa niya sa pagitan ng devices at server dito pumapasok ang “middle man attack” o hackers kung saan sa mga ganitong pagkakataon ay wala na talagang magagawa ang consumer kundi ipaubaya sa cyber security ng organization na may-ari ng server.

Naniniwala naman si Dir. Lao na mayroong mga security at protocols na ginagawa ang mga bangko para hindi ma-hack ang kanilang serbisyo.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Paalala din aniya na dapat magkaroon ng two-factor authentication kung magbubukas ng online banking upang ma-notify ang user kung may gumagamit sa kaniyang account sa ibang devices.

Sinabi pa ni Dir. Lao na iwasang  maglog-in sa mga pampublikong computer na maaaring mayroong “key logger” kung saan maka-capture ang passwords ng gumagamit at sa ganitong paraan ay maiiwasang manakaw o makuha ang account ng user.

photo/ctto