DICT, iginiit na walang nakikitang problema sa 100% foreign ownership ng Telco sa bansa

Iginiit ni Department of Information & Communications Technology (DICT) Secretary Manny Caintic na wala silang nakikitang problema sa 100% foreign ownership ng Telecommunication companies (Telco) sa bansa.

Ito’y alinsunod sa Public Service Act kung saan maaaring may mag-ari ng 100% ang mga dayuhan kabilang na ang Telco.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Caintic, sakop pa din sila sa kasalukuyang batas at dapat sundin ang mga alituntunin na nakapaloob dito.

Dagdag pa niya isasailalim sa cyber security check ang mga kumpanya upang maprotektahan ang ating national security.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Samantala, patuloy pa ding isinusulong ang sim registration bill upang maiwasan ang hacking at phishing lalo kapag pumasok na ang iba pang foreign investors sa bansa. (ARGIE ERGINA)