DHSUD 12 maglulunsad ng web data base upang matukoy ang mga lehitimong housing properties

KORONADAL CITY- UPANG matulungan ang publiko na makapili at makabili ng lehitimong housing properties, ilulunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region 12 ang website na DREAMS PH o www.dreams.DHSUD12.ph.

Ayon kay DHUSD 12 Regional Director Jennifer Bretaña na sa pamamagitan nito, makakaiwas ang mga may planong bumili ng bahay at lupa sa mga scammers.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa nasabing website, malalaman na kung rehistrado ang bibilhing property o hindi.

Samantala, hinikayat din ng opisyal ang mga mamamayan na huwag basta magbayad ng downpayment o reservation fee sa mga low cost housing unit habang hindi pa nabeberipika sa kanilang tanggapan kung may license to sell ang nagbebenta nito at kung rehistrado ang lupa o pabahay na bibilhin.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod