KORONADAL CITY – LUMAGDA na sa Memorandum of Agreement o MOA ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD 12, City Government ng General Santos at CFV ARAR Contractors Philippines Inc para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH.
Dahil dito, inaasahan na masisimulan na ang pinakaunang 4PH Project sa rehiyon na may layuning makapagpatayo ng 5,900 na mga housing units sa 50 mga condominium buildings. Ito ang katuparan sa matagal nang pangarap ng maraming Pinoy at mga pamilya sa Soccsksargen na magkaroon ng stable, komportable ngunit murang pabahay. Maliban sa Gensan, ipatutupad din ang 4PH project sa iba pang lugar sa rehiyon 12.
