Australian economist, Suu Kyi, hinatulan ng 3-taon pagkakakulong ng Myanmar junta court

Hinatulan ng Myanmar junta ang isang Australian economist ng tatlong taong pagkakakulong habang isang conviction ang ibinaba laban kay ousted leader Aung San Suu Kyi.

Ang dalawa ay parehong nakakulo simula nang magsimula ang kudeta noong Pebrero ng nakaraang taon, nang patalsikin ng militar ang gobyerno ni Suu Kyi.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Si Sean Turnell, Suu Kyi at tatlong iba pang ay hinatulan sa ilalim ng Official Secrets Act.

Si Turnell ay una na ring nahatulan ng tatlong taon sa ilalim namn immigration act ng bansa.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Samantala, mariin namang kinondena ng United States ang naturang hatol.

Ayon kay State Department spokesman Ned Price, nananawagan sila sa agarang pagpapalaya kay Turnell at pabalikin ng Australia, para makapiling ang kanyang pamilya.