DFA, hindi inaasahang muling bubuhayin ang issue ng swiss bank accounts ng pamilya Marcos

Hindi inaasahan ng Department of Foreign Affairs  na muling bubuhayin ang issue ng swiss bank accounts ng pamilya Marcos sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Switzerland sa susunod na linggo.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta na walang legal mechanism ang “nag-trigger” sa paglahok ng pangulo  sa 2023 World Economic Forum sa Davos hinggil dito.

Read More:  Marcoleta drops ‘Senator’ title for Ping Lacson

Dumistanisya rin ang opisyal sa posibilidad na ang Pangulo ay maaaring mag-withdraw mula sa Swiss bank accounts ng kanyang pamilya.

Read More:  Senator Bato files 2 bills despite Senate absence

Noong 2018, napatunayang guilty ng Sandiganbayan 5th Division ang ina ni Pangulong Marcos na si dating First Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos sa 7 counts ng graft dahil sa paggamit ng kanyang posisyon sa Gabinete para mapanatili ang mga Swiss bank account sa panahon ng rehimeng Marcos.//CA