Zubiri, binatikos ang CAAP sa kakulangan ng CCTV sa mga air traffic equipment rooms ng CAAP

Binatikos ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines dahil sa kakulangan ng CCTV sa mga air traffic equipment room matapos ang ang mga nangyaring technical issues sa NAIA.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sinabi kahapon ni CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo na walang CCTV  sa mga equipment room ngunit may mga camera na sumasakop sa iba pang mga pasilidad.

Ipinaliwanag rin nito na mahigpit ang kanilang security measures at tanging mga awtorisadong tauhan lamang ang maaaring pumasok sa air traffic equipment room.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Iginiit ni Zubiri na ang CCTV footage ay makakatulong sana sa pagsisiyasat at madaling makikilala ang sinumang tauhan na nasa paligid nang oras na nangyari ang insidente sa NAIA.//CA