Ex DOTr chief Tugade, itinanggi ang diversion ng  P13 bilyong pondo para sa air traffic system ng bansa

Itinaggi ni dating Transportation secretary Arthur Tugade kahapon ang umano’y diverson ng P13 bilyong pondo noong 2018 na para umano sa communications, navigation, surveillance/air traffic management (CNS/ATM) system.

Sa pagharap sa imbestigasyon ng Senate public services committee, pinabulaanan ni Tugade ang isang report na nagsasabing mayroong P13 bilyong pondo sa ilalim ng 2018 national budget na para sana sa CNS/ATM ngunit ginamit para sa iba pang layunin tulad ng pag-install ng mga electronic billboards at ang pagkonkreto ng mga parking space sa labas ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Idinagdag niya na ang proyekto ng CNS/ATM ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Itinanggi rin ni Tugade ang pahayag na ang sinasabing P13 bilyong pondo ay mula sa 2018 General Appropriations Act, at sinabing ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na may hiwalay na budget.//CA