Deped Zambales ipinaliwanag na wala pang pumasang eskwelahan sa lalawigan para sa pilot face-to-face classes

Ipinaliwanag ng Zambales Deped Division Office na wala pang paaralan sa lalawigan ang pumasa sa panuntunan ng Deped at Department of Health para magpatupad ng Pilot face-to-face classes.

Bagamat may mga inirekomenda ang Division Office na mga paaaralan na nasa liblib at malalayong lugar pero pagdating sa risk classification ay hindi pa rin ito pumasa.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon kay OIC Asst. Schools Division Supt. Michelle Mejica, isa sa panuntunan ay dapat zero case sa loob ng 28-araw ang mismong buong bayan at kinakailangan na mayroong concurrence ang Lokal na Pamahalaan.

Matatandaan na nitong Myerkules ay inanunsyo ng Deped Central Office na mayroong 59 na pampublikong paaralan sa buong banasa ang nakapasa sa granular risk assessment ng DOH.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala, nilinaw naman ng kagawaran na kahit magkaroon pa ng pilot face-to-face classes sa isang lugar ay nasa magulang pa rin ang pagpapasya kung papayagan nito ang kanyang anak.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'KAYANG MAIWASAN ANG DIABETES Agaricus Agaricus nMaxan Contains chemicals that might improve the body's use of insulin MAXAN Xanthone and decrease insulin resistance in people with type diabetes. Ma viar MAXAN MAXAN Mangosteen Xanthone'