DepEd, pinayagan nang hindi mag on-site duty ang mga guro sa May 2-13

Pahihintulutan na ng Department of Education ang mga guro na hindi na mag on-site duty mula May 2 hanggang 13 upang magbigay daan sa preperasyon sa nalalapit na halalan sa Mayo a-Nueve.

Sa isang pahayag, sinabi ng Kagawaran na inaprubahan na nila ang rekumendasyon ng kanilang mga regional directors at division superintendents na hindi na muna i-require ang duty sa mga guro lalo na’t mayora sa mga teachers ay inaasahang magsisilbi bilang mga electoral board staff.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Bago pa man ang araw ng halalan, tiyak na raw na magiging abala ang mga guro para sa paghahanda ng mga polling precints at pagsisigurong maayos at matiwasay na makaboboto ang ating mga kababayan.

Maliban pa sa preperations ng mga election facilities, tutulong din ang mga teachers para naman sa post-election activities.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Samtanala, para naman sa mga gurong hindi magsisilbi sa election – required pa rin silang gawin ang mga school tasks gaya ng lesson plans, at iba pa.

Tinatayang aabot sa higit 640,000 ang bilang ng mga gurong magse-serve sa halalan.
#