Pag-review at pag-amiyenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, isusulong ng isang kongresista

Kinumpirma ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na nagsasagawa ang House Committee on Dangerous Drugs ng masusing review sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Barbers, layon nitong gawing epektibo ang implementasyon ng bagong polisiya ng gobyerno sa paglaban sa ilegal na droga.

Kabilang aniya sa ipinapanukalang amiyenda ay inaasahang susugpo sa suplay at sa sources ng ilegal na droga mula sa pagnenegosyo sa bansa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Paliwanag nito, isusulong din ang pagpapatupad ng mas komprehensibong rehabilitasyon ng drug users, pagtatayo ng rehabilitation facilities at aktibong kampanya sa grassroots level sa pamamagitan ng barangay anti-drug councils.

Bukod dito, maglalaan ng mas malaking pondo para sa anti-illegal drug education at mga aktibidad.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Pero paglilinaw ng kongresista, hindi magkasalungat ang proposed amendments at ang pag-adopt ng administrasyong Marcos ng bagong “approach” sa drug war dahil binibigyang-diin ang pagputol sa suplay upang kung hindi man mawala ay mahirapang makakuha ang isang drug user na maaaring magresulta sa paglaya mula rito.

Umasa si Barbers na sesertipikahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang proposed amendments sa RA 9165 bilang urgent.