Pinapayagan na ng Department of Education na huwag nang mag-on-site duty ang mga gurong hindi naman magsisilbi bilang mga electoral board sa araw ng halalan.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Educaiton Secretary Leonor Briones na napadesisyunan ng Kagawaran na ‘wag nang mag-report sa mga paaralan ang mga teaching at non-teacher personnel na hindi kabilang sa mga magta-trabaho sa May 9.
Mababatid na unang nag-isyu ng order ang DepEd na wala nang physical reporting ang mga teachers mula May 2 hanggang 13.

Ayon kay Briones, maaaring gamitin ng mga teachers na hindi electoral board ang panahon na ito para makahabol sa iba pa nilang mga gawain.
Kabilang na aniya rito ang mga lesson plans, o ‘di kaya nama’y pagdalo sa mga webinars.
#