PNP chief Gen. Dionardo Carlos, sinibak na ang buong personnel ng Pilar Municipal Police

Ipinag-utos na ni PNP chief General Dionardo Carlos ang pag-relieve sa buong personnel ng Pilar Municipal Police Station sa Abra matapos ang nangyaring pamamaril dito noong March 29.

Aprubado ng PNP ang naging rekumendasyon ng Commission on Eletions na kaagad tanggalin sa puwesto ang mga personnel na nakatalaga rito.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Carlos, nakausap na nito ang Regional Director ng CAR na si Brig. Gen. Ronald Lee para sa relief order.

Itatalaga naman ang mga tauhan ng Regional Mobile Force para mag-augment sa mga nasibak na kapulisan habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Bago ito, una nang sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na magpapadali rin ng mga tropa ng Special Action Force sa Pilar, Abra.

Mababatid na kaninang umaga, inanunsyo ni COMELEC Chairperson Saidamen pangarungan na ibinilang na rin ang bayan ng Pilar sa mga lugar na nasa kontrol ng COMELEC.
#