ex- SoJ Aguirre to Ragos – ‘Why only now?’

Mariing pinabulaanan ni dating Justice secretary Vitalliano Aguirre ang mga bagong pahayag ni ex-NBI official at dating BuCor OIC na si Rafael Ragos.

Matatandaang sa panibagong affidavit ni Ragos, kinambyo nito ang una niyang testimonya laban kay Senadora Leila de Lima at sinabing pinilit lamang siya ng dating kalihim ng DoJ para gawin ito.

Sa pahayag ni Aguirre, nanindigan itong nagsisinungaling si Ragos lalo na’t wala umano siyang kinalaman sa mga pahayag nito para idiin si de Lima sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Kinuwestyon ng dating Justice Secretary ang naging timing ng pag-kambyo ni Ragos at nanindigang boluntaryo ang paghahain ni Ragos ng mga testimonya.

Giit nito, bakit ngayon lang nagsalita si Ragos gayong naka-limang case conference na ang mga prosekyutor ng DoJ.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Tingin ni Aguirre, mukha raw ginagamit si Ragos para makakuha ng simpatya si de Lima ngayong halalan.

Nagulat umano si Aguirre sa ginawang pag-kambyo ni Ragos at sinabing hindina raw siya bahagi ng DoJ nang tumestigo noon si Ragos sa Muntinlupa RTC taong 2019.

Mababatid na isa ang testimonya ni Ragos sa mga ginamit na basehan ng pagbasura ng hiling ni de Lima na demurrer to evidence.
#