DEPED nilinaw na pinayagan parin ang mga unvaccinated students na lumahok sa F2F classes

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Education na papayagan pa rin na lumahok sa face to face classes ang mga estudyanteng hindi pa bakunado kontra covid-19 dahil boluntaryo lamang ang pagpapabakuna ng mga ito.

Ayon kay DepEd Assistance Secretary Malcom Garma, nais umano ng ahensya na makabalik na ang mga bata sa paaralan at mabigyan ang mga ito ng mas magandang oportunidad na makapag-aral ng ligtas kahit paunti-unti.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, ang mga gurong magtuturo sa face to face classes ang tanging kailangan na magpabakuna at hindi ang mga estudyanteng magpapatuloy sa pag-aaral.

Inamin rin ng opisina na mababa ang pediatric vaccination sa bansa ngunit hindi umano ito ang makakapigil upang patuloy na makapag-aral ang mga estudyante.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi rin nitong kahit boluntaryo ang nakalagay sa pulisiya ng nasabing ahensya ay maari pa rin itong mabago kung sakaling mas lalo pang dumami ang suplay ng bakuna sa ating bansa.