LEGAZPI CITY – Ideneklara sa lungsod ng Ligao ang nonworking holiday ngayong darating na ika-24 ng Marso bilang parte ng paggunita sa founding anniversary ng nasabing lungsod.
Naisabatas ang Republic Act No. 11113 o special nonworking holiday noong Oktubre 30, 2018 matapos na aprobahan at lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay ng pagdiriwang sa founding anniversary ng nasabing lungsod ay ang 8 araw na pagsasagawa ng mga aktibad at programang makakatulong sa mga residente nito, kung saan magkakaroon sila ng job fair na dadaluhan ng nasa 20 kompanya para sa local employment at 6 recruitment agencies naman sa employment overseas.
Matatandaang,ang lokal na gobyerno ng Ligao ay nagsagawa ng tree planting at libreng kasalan sa barangay na dinaluhan 216 na pares.
Samantala, noong nakalipas na dalawang taon ay hindi nagkaroon ng ganitong aktibidad ang lungsod dahil sa paghihigpit na dala ng pandemya.