Paunang P10M na cash assistance, inumpisahan nang ipamahagi ng DSWD sa Abra

Personal na bumisita si Department of Social and Welfare Secretary Erwin Tulfo ang ilang mga lugar na sinalanta ng Abra.

Pinuntahan ng Kalihim ang mga bakwit sa mga evacuation centers sa Bangued sa Abra.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Inumpisahan ni Tulfo ang pamamahagi ng inisyal na P10Million cash aid para sa mga apektado ng lindol.

Pinamamadali na rin nito ang pagdedeliver ng local office ng DSWD ng nasa 1,000 mga food packs sa mga evacuees.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Inaasahan namang mayroon pang paparating na 5,000 hanggang 10,000 mga food packs na magmumula sa regional warehouse ng CAR mamayang hapon.

Samantala, matapos naman itong pumunta sa Bangued, inaasahang bibisitahin din nito ang mga apektadong lugar sa Ilocos.
#