DepEd, naghahanda na para sa Brigada Eskwela sa kabila ng online classes

Naghahanda na ang Department of Education para sa national schools maintenance program nito, o mas kilala sa tawag na Brigada Eskwela.

Ito ay kahit hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes dahil sa banta ng COVID-19.

Sinabi ng DepEd na magsisimula ang Brigada Eskwela 2021 bukas sa pamamagitan ng isang virtual launch na pangungunahan ng Schools Division ng Tagum City sa Region 10.

Read More:  Atin Ito Coalition denies ‘planted trash’ claims by Chinese media

Sa isang memorandum ay inutos ng DepEd sa schools division offices at regional offices ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela mula August 3 hanggang September 30.

Kasabay ng implementasyon ng Brigada Eskwela ay sinabi ng DepEd na kailangan matiyak ang pagsunod sa health standards, kabilang na ang social distancing measures at ang pag-obserba sa proper hygiene, na alinsunod sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Read More:  Batangas solons condemn Leviste remarks against Recto couple

Mababatid na ang Brigada Eskwela ay ang taunang aktibidad ng DepEd kung saan ay hinihimok nito ang mga komunidad at ang pribadong sektor na magpartisipa sa paghahanda ng mga pampublikong paaralan sa pag-welcome ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase.

Una nang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na gagawin ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa September 12.