DEPED Naga, namomroblema sa mababang enrollees ngayong pasukan

AGA CITY – Problema para sa Department of Education Naga, ang halos nasa 25% na kulang ng mga nagpa-enroll ngayong 2024-2025 school year, dahil sa mahigit 54,000 lamang ang naka-enroll, mababa sa 75,000 nitong nakaraang school year.

Sa panayam kay Dr. Susan Collano, School Division Superintendent, sa kabila ng mga panawagan sa mga magulang na ipa-enroll na ang mga anak bago ang tuluyang pasukan, marami pa rin ang hindi nakakapag-paenroll na minsan sa mismong pasukan na nagpapalista. Hangarin sanang walang mahuli sa lesson ng mga bata at nang hindi naman nakakapagod para sa mga guro na umulit ng pagtuturo.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Dagdag pa ng opisyal, napag-alaman ding may mga paaralan sa lungsod na kulang ang mga mag-aaral habang marami ang guro, kaya naman bago ang pagsisimula ng pasukan nagkaroon na ng orientation at pagbabago sa mga workloads, marahil ang posibleng dahilan ay walang sapat na pampaaral o lumipat ng ibang paaralan ang ilang mag-aaral.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Kaugnay nito sa kabila na kulang pa ang mga silid-paaralan, handa na sa pasukan ang departmento para sa Hulyo 29, at nakipagtulungan na rin sa pulisya para sa seguridad at traffic management.