DepEd, nagpasaklolo sa NBI sa umano’y pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts

Humingi na ng tulong si Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa mga personnel ng National Bureau of Investigation para imbestigahan ang di umano’y sexual, verbal at emotional abuse na nagaganap sa Philippine High School of the Arts sa Laguna.

Matatandaang sa isang dokumentaryo ng isang international media news outfit na Vice, nagsalita ang ilang PHSA alumni ang ‘di umano’y pangaabuso sa kanya ng ilang mga guro, personnel, at mga kapwa estudyante sa paaralan.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

Nagpasaklolo ang DepEd sa NBI para magbigay ito ng komprehensibong report para sa isyu.

Nakipagugnayan din ang Education Department sa Child Protection Unit o CPU at Child Rights in Educxation Desk o CREDe na amgkaroon ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa insidente.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Kasalukuyang nire-review ng DepEd at ng pamunuan ng PHSA ang umiiral na mga polisiya sa paaralan para masiguro ang kaligtasan ng mga learners.

Sa huli, nanindigan ang Kagawaran na hindi nila ito-tolerate ang kahit na ano pa mang uri ng pangaabuso.

Makasisiguro aniya ang publiko na patuloy nilang ipo-promote ang ligtas na environment para sa mga magaaral, at gayun din para sa mga guro.
#