DepEd, ipinag-utos ang resumption, expansion ng F2F classes sa Alert Level 2 areas

Ipinag-utos na ni Education Secretary Leonor Briones sa lahat ng Department of Education (DepEd) regional directors na ipatupad ang resumption at expansion ng limited face-to-face classes para sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Ginawa ni Briones ang direktiba, matapos ang approval ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan na palawakin pa ang pagpapatupad sa physical classes sa bansa, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Danger-level heat index expected in several areas across the country

Kaugnay nito, sisimulan ng 28 pilot schools sa Metro Manila ang kanilang klase sa Feb. 9.

Read More:  DSWD denies free aircon claims for 4Ps members

Sa gitna nito, nasa 57 mga paaralan sa Calabarzon, 21 sa Rizal at 36 sa Cavite, ang makikibahagi sa “progressive expansion” ng face-to-face classes simula sa Feb. 14.

Samantala, may 106 na mga paaralan sa Bulacan ang nagpahayag ng kahandaan para sa pagsisimula ng face-to-face classes sa Feb. 21.//MHEL PACIA-TRINIDAD