Bukas, araw ng Martes ay nakatakda nang ipagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig nito hinggil sa kontrobersyal na pag-aangkat ng daan-daang libong metric tons ng asukal na kung tawagin nila ay ‘sugar fiasco’.
Kaugnay nito, sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi pa rin tuluyang na-aabsuwelto si Executive Secretary Vic Rodriguez.
Matatandaang noong nakaraang linggo kasi nang sabihin ni Senate President Migz Zubiri na kung siya ang tatanungin, naniniwala itong walang kamay si Rodriguez sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.
Ayon kay Pimentel, marami pa rin siyang nais itanong sa ES.
Kailangan aniyang madinig ang testimonya nito at i-double check ang mga facts hinggil sa isyu.
Sa hiwalay na pahayag, sinegundahan ni Senador Win Gatchalian ang pahayag ni Zubiri na walang kinalaman si Rodriguez sa kontrobersyal na SO No. 4, ngunit suportado umano niya ang mga panawagang buwagin ana ng Sugar Regulatory Administration.
Nainiwala itong nagkaroon ng ‘misunderstanding’ pagdating sa paglagda ng importation order na na nagresulta sa pagbibitiw sa puwesto ng mga opisyales nito.
#