CAMARINES NORTE – Naglabas ng guidelines ang Department of Education sa Camarines Norte hinggil sa screening at admission ng Incoming Grades 1 at 7 learners sa Special Science Program para sa School Year 2024-2025.
Batay sa Division Memorandum No 127 s 2024 na may petsang June 6, 2024, na pirmado ni Atty. Kimberly Israel, Legal Officer III ng Schools Division Office, ang resulta ng test ang magiging deciding factor kung ang learners ay qualified na mag-enroll sa STE/SSES program.
Ito kasi ang magsasabi ng kinakailangang mastery ng learners sa key scientific at mathematical skills.
Ang schedule of activities at persons involved sa admission test ay naka-post sa official facebook page ng DepEd Camarines Norte.
Nakapaloob sa naturang memorandum na lahat ng STE schools sa pamamagitan ng kanilang testing coordinator ay kailangang mag- conduct ng preliminary screening ng Grade 7 STE program aspirants.
