Mas maraming SGLG passers sa Camarines Norte target ng DILG

CAMARINES NORTE – Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mas maraming Local Government Unit sa Camarines Norte ang pumasa sa prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong 2024 at sa susunod pang mga taon.

Katatapos lang ng 2024 SGLG regional assessment sa 12 bayan kung saan nagkaroon ng document review at site validation simula noong May 30 hanggang June 13, 2024.

Ang assessment sa mga LGU ay base sa sampung SGLG- required governance areas na kinabibilangan ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection; Safety, Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; Sustainable Education; Health Compliance and Responsiveness at Youth Development.

Para masungkit ang award dapat mapasahan lahat ng LGU ang sampung governance areas sa apmamagitan ng pag-abot sa iba’t-ibang indicators.

Ayon kay DILG Provincial Director Melody Relucio dapat mag-reflect sa serbisyo publiko ng mga LGU ang pagkakapasa sa mga nabanggit na governance areas.

Noong nakaraang audit year tatlong LGU sa lalawigan ang nakapasa sa SGLG na kinabibilangan ng Province of Camarines Norte at mga bayan ng Basud at Paracale.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *