DEPED Bicol, tiniyak ang kaligtasan ng mga atleta sa gitna ng mataas na heat index sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Department of Education (DEPED) Bicol na mayroong pag-iingat para sa kaligtasan ng bawat atleta o manlalaro sa Palarong Bicol sa kabila ng mataas na heat index na naitala nitong linggo na umabot sa 46°celcius.

Sa isang press conference kahapon sinabi ni Architect Roland Alianza, Legazpi City Schools Division Office Disaster Risk Reduction and Management Chief, na sinisiguro nila na ang mga hakbang sa pag-iingat ay mayroong mga paghahanda.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa kanya, bago pa man nagsimula ang Palaro, nagkaroon sila ng pagpupulong upang mapag-usapan ang paghahanda patungkol sa heat index upang matiyak ang kaligtasan ng mga atleta.

Aniya, ang mag billeting schools ay hindi na puno upang maiwasan ang pagsisiksikan at kailangan maluwag ang rooms o kwarto ng mga manlalaro upang kahit papano’y hindi nila maramdaman ang init.

Maliban sa maluwag na billeting schools para sa mga atleta, sinabi nito na nais din nilang isagawa ang karamihan sa mga laro sa mga indoor venues.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dagdag pa nito, naghanda rin ng mga clinic para sa limang playing venues para sa mga atleta na maaaring makaramdam ng sakit.

Mayroon ding isolation area para sa mga may sintomas ng COVID-19.

Gayundin naman, upang matiyak na walang pagkagambala sa klase, ang lahat ng mga mag-aaral sa playing at billeting schools ay isinailalim muna sa self-learning module system.