Lolo na kampeon sa marathon, may payo sa mga kabataang atleta

Disiplina sa sarili.

Ito umano ang isa sa pinakaunang dapat taglayin ng isang atleta kung gusto niyang magtagumpay sa kanyang larangan ayon sa champion marathoner na si Sonny Ducay mula sa Sorsogon City.

Ayon sa kanya, napakahalaga ng disiplina sa sarili lalo na tuwing nasa mga pagsasanay.

Minsan kasi anya, may ibang kabataang atleta na hindi sumusunod sa kanilang coach at kapag nahihirapan ay umaalis at kung minsan ay nagagalit pa sa kanilang coach.

Mahalaga rin umano na may kumpiyansa sa sarili, focus sa ensayo at masaya ang isang atleta sa kanyang ginagawa.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Ito umano ang kanyang laging payo sa mga tinuruan niya noon na dapat may pagsusumikap, pagtatiyaga at higit sa lahat masaya sila sa kanilang ginagawa.

Hindi rin aniya ito nakukuha sa laki o liit ng katawan. Katunayan ayon kay Ducay, marami siyang mga nakalaban sa Pasig na malalaki ang katawan at matatangkad lalo na ang mga retired military personnel ngunit nadaig niya pa rin ang mga ito.

Sa Pilipinas anya, kadalasan ang mga nagkakampeon sa mga long distance running events ay maliliit pero mahalaga pa rin matutukan talaga ang training lalo na ang mga sumasabak sa special events gaya ng sprinter at long distance runner.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Bilang isang marathoner, mahalaga umano na natatantiya ang oras ng pagtakbo kada kilometro at na mamantina nila ito o di naman kaya ay mahihigitan pa.

Kwento ni Ducay, s tatlong laban na kanyang sinabak sa Pasig kung saan lahat ito ay siya ang kampeon, wala umano sa mga mahigpit niyang katunggali ang dumikit sa kanyang distansya at oras sa pagtakbo.